we love them!
Written by _Raven_ at 11:10 PM.
friday na ngayon!
ilang tulugan na lang paalis na ang mommy ko pabalik ng HK.ngayon pa lang iniisip ko kung paano na kaya itong bahay,na kapag nandito siya napaka ingay at napaka saya!tapos babalik na naman siya ulet doon para magtrabaho edi tahimik na naman itong bahay namin!
magtyatyaga na naman ako sa mga luto ng tita ko na di naman masarap,and for sure papayat na naman ako niyan!ngayong nandito kasi si mommy ang takaw ko kumain siyempre and sarap niyang magluto at marami siyang alam na lutuin!hehehehehehe
kung pwede lang sana huwag na sana siyang umalis para kumpleto na lang kami dito,masaya pa yun o kaya naman sana tumigil ang oras pero sabi niya paano naman kapag tumigil ang oras edi di ako makakapagtapos.sobrang mamimiss ko talaga siya!
18 years old na ako pero di pa rin ako masanay sa ganun na minsan lang every two years ang uwi ni mommy tapos bumabalik ulet siya doon dahil hanggang nagyon umiiyak pa rin ako everytime na aalis na siya.ang hirap kaya ng ganun sobrang nakakalungkot!
sana maunlad na lang kasi tong country natin para di na kailangan magtrabaho pa sa ibang bansa si mommy dito na lang.hmmmmmmmp.
at talaga namang nagpapasalamat ako kay lord dahil nagbati na sila mommy and daddy ngayon dahil kasi kahapon di nagpansinan ang mga yan nag-away sila,mabuti ngayon nagbati sila dahil ayoko naman na nag-aaway sila bago umalis si mommy katulad ng last time na uwi niya.
kailangan maging strong ako at pagbutihan ko ang studies ko ngayon para naman maging scholar ulet ako.para naman kahit nasa malayo si mommy matutuwa siya.dahil sa lintek na PE na yan kasi di ako naging scholar!nakakainis!wala tuloy ako bagong CPU kaya naman dalawang taon ulet ako magtitiis dito sa CPU na bulok na to na di man lang ako makapagburn o kaya makapagpatugtog ng music!lintek!pero okay na yun.at least may pang tuition ako.pwedeng pwede na yun!
hay grabe nakakadepress na talaga ilang araw na lang!=(
(This episode is named after a song by Natalie Imbruglia. )
Written by _Raven_ at 02:41 PM.
napaka bilis talaga ng mga days,parang kailan lang sinundo namin si mommy sa airport ngayon naman ilang tulog na lang babalik na naman ulet siya sa HK.
napaka bilis talaga ng days,parang gusto ko ihinto ang oras para naman matagal ko ulet siyang makasama kasi pagbalik na naman niya sa HK another two years again bago pa ulet kami magkita.ang hirap kaya ng ganun,nasanay ka ng nandito siya tapos aalis na naman siya.weel,alam ko naman di niya gusto yun,ang umalis dahil para sa akin naman ang pag-alis niya para makapag aral akong mabuti,para magkaroon ako ng magandang buhay.mahirap rin naman sa kanya ang lumayo.imagine 18 years old na ako,never ko pang nakasama siya sa birthdays,christmas and new years.pero okay lang yun,magkakasama rin kami.
kaya dapat nagyon medyo lambingin ko talaga siya,ilang tulog na lang,babalik na naman siya.maninibago na naman ako nitop sa bahay.
pero kahit 18 years old na ako,hanggang ngayon naiiyak pa rin ako kapag umaalis siya,kapag babalik na siya ng HK,di pa rin ako sanay na umalis siya,siguro mga 3 days akong iiyak niyan sa gabi,kagaya ng dati,dati nga sa airport pa lang naiiyak na ako kaso di ko pinapakita sa kanila.hehehehe.wala lang ayoko lang.hehehehe
one week na lang.=(
(This episode is named after a song by Cher. )
Written by _Raven_ at 02:24 PM.
nahihilo na ako.i'am having big hude problems ngayon dito sa lintke na school ko.
di ko alam kung kailan ang tunay na enrollment namin!every enrollment talaga kinaiinisan ko ngayong nagcollege ako!para bang ang laki laki ng problema ko!kasi naman ang hirap mag-enroll sa lintek na course ko!minsan may mga di pa bukas na subject kaya kailangan pabalik balik ka pa!nakakahilo!sa totoo lang kung ako lang ayoko pumunta para mag-enroll kasi napakadami pa ng mga kailangang gawin!nakakabwiset!
di katulad kapag nag-enroll ka sa highschool!isang bagsakan lang!ayun na meron na,ibibigay mo lang yung pera mo eh nagyon!jusko ikaw pa mamimili ng mga lintek na subjects mo!tapos nagtext pa ako sa isang friend ko para magtanong kung kailan ba talaga ang enrollment,aba ang magaling hanggang ngayon di pa nagrereply!pero kapag nag GGM napaka galing!oras oras pa!burden talaga kahit kailan tong enrollment na to.ito na ang pinaka hate kong gawin talaga!kung pwede ka lang mag-utos para may gumawa sayo.jusko talaga!
well so much for that enrollment issue!kahapon lumabas na ang result tests ng mommy ko sa heart niya at sinabi niya sa akin to agad pagdating niya,kumakapal daw ang artery sa heart ng mommy ko at mabuti naagapan niya agad kaya niresetahan siya ng gamot para numipis ulet yung artery niya,mabuti na lang naagapan talaga kaya di pa yun serious,pero imagine kung di pa siya nagpacheck up tapos babalik na naman ulet siya sa HK?another two years edi siguro ang kapal kapal na nun di ba?at kapag lumala na or siguro kumapal na operation is just the only solution daw.kaya super thank you kay lord!di niya talaga pinababayaan ang mommy and our family,lagi lang siya nandiyan.
and today is mother's day!hehehehehehe.nabati ko na mommy ko!naalala ko tuloy yung MMK kahapon yung episode nila carmina,infairness nakakaiyak yung episode,at napaiyak pa nga siya.
sige na dito pinsan ko!hehehe.
(This episode is named after a song by The White Stripes. )
Written by _Raven_ at 02:01 AM.
magandang bagay rin pala talaga ang meron kang blog noh,para yung may mga kwento kang di mo makwento sa ibang tao dito mo na lang ilabas ang mga nasa loob mo.hehehehehe.madrama na naman pala ganun?
di ko alam ano ba nangyayari,naguguluhan ako sa mga pangyayari dito sa bahay.sana maiwasan ng pamilya ko ang mga nangyari last two years ago.ayoko lang naman sana yung nag-aaway sila,yung mommy and daddy ko tungkol sa pera,bakit ba naman kasi ganun?lintek na pera yan.
last two years,nag-away nga sila dahil sa pera,kesyo si daddy gusto bumili ng lupa eh wala naman siyang pera tapos itong daddy ko pa ang kakalampag sa mommy ko na bilhin yung lupa eh wala naman siyang trabaho.masasabi kong di naman kami ganun kayaman para maglustay ng pera dahil ang mommy ko lang naman ang nagtatrabaho para pamilyang ito.tapos nandiyan pa yung issue dati na akala siguro ni daddy minamaliit namin siya dahil di niya magawa yung computer table na binili namin,at kailangan pang tawagin ang uncle ko sa kabila para siya ang mag-ayos.take note nag-away sila the night before umalis ang mommy ko.di ba bilang isang anak ang sakit sakit makita na nag-aaway ang mga magulang mo.lalo na yung feeling na wala akong magawa.
talagang ang tangi ko lang na nagawa noong mga times na yun ay ang magdasal kay lord.at thank you naman kay lord pinapakinggan niya ang mga prayers ko.
tapos ngayong year na naman?sana lang talaga di na sila mag-away because of money or anything,pero parang may nagbabadya ika nga.hay.
kasi nilakad nila mommy and daddy tong bahay namin,so maraming pag-uusap at kung ano pa,so si mommy she decided na i-pangalan na lang itong bahay sa akin,kahit na sabihin ni daddy na okay lang parang sumama ang loob niya or nagtampo.nararamdaman ko yun,jusko last uwi ng mommy ko ano ang pinag-awayan nila?yang lintek na lupa and computer table na yan.bakit naman ganun?siguro kapag pati ito pinag-awayan nila baka di ko na kayanin,kasi ako never talagang nagpapakita ng care kapag nag-aaway sila,di ako umiiyak sa harapan nila.
mararamdaman mo talagang malungkot si daddy,kasi si daddy palaging nagjojoke yan,eh ngayon medyo na lang.medyo tahimik na siya.i wish lang talaga sana maging maayos at peaceful ang stay ni mommy dito bago pa siya bumalik ng HK.akala ba nila sila lang ang nahihirapan?jusko!
kasi ba naman konting bagay lang ikinagagalit na ng daddy ko,even yung mga walang kwentang bagay,kagaya na nga ng computer table,meron pang mas matindi doon ah.secret ko na yun.naiinis ako sa kanya na parang di ko magawa ng sagaran,dahil una lagi siyang ganun,mga konting bagay nagagalit na,tapos kung anu-ano yung mga gusto niya kagaya ng lupa,ng buffalo,pagpapagawa ng bahay eh wala naman siyang pera,wala naman kaming pera and mommy ko lang naman ang nagtatrabaho.akala niya siguro madali lang ang pera,jusko ang hirap lang na mommy ko na magtrabaho sa malayo at di ako makasama,di ba?sobrang skripisyo na yun.tapos kung sino pa tong daddy ko kung umasta "i-papagawa ko tong bahay" akala mo naman pera niya.
itong daddy ko pa nakikita yung mga mali ng ibang tao,kagaya ng uncle ko na walang trabaho,yung asawa ng kapatid niya na bale auntie ko.yung auntie ko lang ang nagtatrabaho para sa pamilya niya.oh di ba?parehas lang naman sila?tapos kung makapagsalita siya at punahin yung uncle ko.sabi pa niya martir daw ang kapatid niya.kesyo walang trabaho ang asawa ng kaptid niya at yung auntie ko lang nagtatrabaho.di kaya niya narerealize na parehas lang sila?sana marealize at marealize niya na kung ano yung sinasabi niya bumabalik lang naman sa kanya.
ayaw ko naman kamuhian at di naman ako naghahanap ng matinong tatay,pero sana maisip ng daddy ko na di madali ang pera,at wala ng biglang yaman nagyon di ba dapat nagsusumikap para makamit ang mga gusto mo sa buhay?hay.
to namang mommy ko,ewan ko ba parang may jinx siya na kapag naglalabas ng sama ng loob sa daddy ko parang may sumusunod na away.bakit ganun?
kasi kanina umakyat ako nasa kwarto siya nagliligpit,ayun na bumulong na nahihirapan na daw siya ang daddy ko daw kung anu-ano mga gusto ipabili eh wala naman kaming pera.tapos yun nga sana daw magsumikap siya.basta kinuwento niya yung buhay nila dati na inaapi siya ng auntie ko and lola ko.ewan ko ba kung tama bang ikuwento niya sa akin yun.pero nainspire ako sa kwento niya na dapat magsumikap para walang mang-aapi sayo na kahit na sino,tapos sabi pa niya dati daw halos walang wala kaming pera ni mi ultimong typewriter sinasangla niya,ramdam ko talaga yung hirap sa boses niya habang nagkukwento siya.pero yun na nga ang iniiwasan ko marinig para bang naririndi na ako sa kwento niya dahil ilang ulet ko nang naririnig kumbaga kaya sana stop na parang gusto niya ako magtanim ng galit sa lola,at sa auntie ko parang ganun na ang lumalabas sa aking pananaw lang.
simula doon,parang nanamlay na si daddy,medyo di na siya nagjojoke,diyos ko sana lang maging maayos tong pamilya ko,ilang weeks na lang aalis na si mommy.di ko na kakayanin ang depression kapag umalis na siya at kapag nag-away pa sila bago siya umalis,hinihiling ko talaga kay lord sana maging masaya kami at di na sila mag-away sa mga kung anu-ano pang bagay.pero again mahal ko silang dalawa at masaya ako na sila ang naging magulang ko.
kaya talagang tumatak na sa isipan ko ngayon na dapat,mag-aral ako ng maigi para makahanap ng magandang trabaho at para matulungan ko ang pamilya ko.sila ang una sa priority ko.at alam kong makakaya ko to.gagalingan ko talaga sa studies ko!go!go!go!^_^
naku,mukhang ito na ang pinaka mahabang post ko ah.hehehehehe.pero i sa totoo lang parang nawala ng konti ang burden ko,nabawasan ang load ko,big help nga itong isulat ang mga nararamdaman mo,and to publish it to the net where anyone can read it.kasi may mga bagay kang di mo masabi kahit sa mga close friends mo,kaya i-dadaan ko na lang dito,i-dadaan ko na lang sa inyo.=)
(This episode is named after a song by Jewel.)
Written by _Raven_ at 03:40 AM.